CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City, Sept. 25, 2012 (CIO) - Iminungkahi ni Managing Director Kristoffer Fellowes ng THOR Energy na maaring mapakinabangan bilang enerhiya ang basura na manggagaling sa Sanitary Landfill ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon Kay Director Fellowes sa ipinadalang liham kay Punong Lungsod Edward Solon Hagedorn, kinilala nito ang kahalagahan ng Sanitary Landfill bilang isa sa natatanging proyekto ng Lungsod at nagsilbing huwaran sa iba pang Local Government Units para sa segregation ng waste material. Sa dahilang Ito, napakagandang opurtunidad sa Lungsod ang pagkakaroon ng Waste to Energy Facility na kung saan ang basura ay magiging enerhiya at pwedeng magamit sa Lungsod.

Ang Puerto Princesa Sanitary Landfill ang pinaka modernong landfill facility sa buong Pilipinas . Ito ay may sistematikong pag hahakot at pagiimbak ng basura, may treatment at composting plant, hospital waste treatment, pumping station, waste recovery shed at support services tulad ng Dumptrucks at vibratory compactor. Ito ay may lawak na 26.9 ektarya na matatagpuan sa Barangay Sta. Lourdes. Ang Lungsod ng Puerto Princesa ang kauna-unahang Local Goernment Unit na tumugon sa Republic Act 9003 o mas kilala bilang “An act for an Ecological Solid Waste Management of 2000". (Edwin Rada)

Article Type: