CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
“Bakit ang malinis na mga kamay ay mahalaga pa rin” (Why are clean hands still important), ito ang tema ng 2024 Global HandwashingDay kung saan ipinagdiwang ito sa Puerto Princesa sa pamamagitan ng paligsahan sa mga presentasyon ng pinakamahusay na paraan sa paghugas ng mga kamay ng ginampanan ng mga mag-aaral day care centers. Isinagawa ang isang programa sa paggawad ng pagkilala sa mga nananlo sa NCCC Mall noong Nobyembre 7, 2024 na dinaluhan ng mga bata, magulang, day care center workers at opisyales ng mga barangay.
12 day care centers ang tumanggap ng consolation prizes. Ito ay binubuo ng : Puerto Ville Day Care Center sa Bgy. Tiniguiban, Tri-Star Day Care Center sa Bgy. Mandaragat, Sunshine Day Care Center sa Bgy. Bancao-Bancao, LaFIPHAI Day Care Center sa Bgy Sicsican, Magsasaka Day Care Center sa Bgy. Irawan at Orchids Day Care Center sa Bgy. Tagumpay. Kabilang din dito ang Mutya Day Care Center sa Bgy. Masipag, Bagong Bayan Day Care Center sa Bgy. Bagong Bayan, Magtulungan Day Care Center sa Bgy. Mangingisda, Sta. Cruz Day Care Center sa Bgy. Sta. Cruz, Dreamer Day Care Center sa Bgy. Manalo at Four Corner Day Care Center sa Bgy. Macarascas.
Natamo naman ang ikatlong mataas na puwesto ng Paradise Day Care Center sa Bgy. Cabayugan habang ang ikalawang karangalan ay pinagwagian ng Concepcion Day Care Center sa Bgy. Concepcion. Ang naging kampiyon ay ang Corinthian Day Care Center sa Bgy. San Jose.
Pinagunahan ni Gng. Rosevilla Moises, Executive Assistant IV at Day Care Program Manager at G. Julius Christopher De la Cruz, Sanitation Inspector II ang nag-abot ng mga plake ng pagkilala at token sa mga nanalong day care workers, cluster heads at barangay Kapitan.
Sa mensahe ni Gng. Moises kanyang pinasalamatan ang pamunuan ni Mayor Lucilo Bayron sa hangarin ipinapatupad para sa mga batang mag-aaral. Kinilala nya rin ang pagkakaisa ng mga day care workers, mga magulang at ang suporta ng mga opisyales ng mga barangay para sa tagumpay ng programa. Hinikayat niya na ipagpatuloy ng mga tulong para sa kabutihan ng mga bata.
Masaya ang naging pagdiriwang dahil sa mga mensaheng inspirasyon mula sa mga punong barangay at pagpapakitang gilas ng mga dumalo sa larangan ng pagsayaw at pag-awit.
Ang Global Handwashing ay isang internasyonal na inisyatibo na may hangaring maitaas ang kamalayan sa kahalagahan ng kaalaman at pag-aral sa pagkakaroon ng tamang paglinis na kamay upang maiwasan ng mga nakakahawang sakit.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |