CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Animnaput anim na mga pundador ng bayan ang kabilang sa Batch 11 ng Forever Young na nakararanas ng pampering mula Nobyembre 10 hanggang 12, 2024.
Ang Forever Young ay bahagi ng mapagkalingang programa ni Mayor Lucilo R. Bayron para sa mga senior citizens kung saan bawat barangay sa lungsod ay may isang senior citizen na kalahok.
Sa ginanap na opening program sa Costa Palawan Resort nitong ika-10 ng Nobyembre, sinabi ni Mayor Bayron na sa Forever Young ay itinuturing na espesyal ang mga piling senior citizen sa loob ng 2 araw. Kasama sa aktibidad ang "pampering" tulad ng libreng gupit, hair color, manicure, pedicure, at ang pagtulog o pagtira sa hotel. Bahagi pa ng kanilang aktibidad ang panonood ng sine, pamamasyal sa mall, city tour, fellowship, health check up, mabibigyan ng libreng gamot, at meron silang special seat sa panonood sa aktibidad ng SUBARAW Biodiversity Festival 2024. Ang lahat ng ito ay ipararanas sa kanila ng libre. Dagdag ng alkalde na naisip niyang isagawa programang ito dahil aniya hindi lahat ng senior citizen ay nakatikim ng ganitong karanasan. Ito rin ay pasasalamat sa kanilang kontribusyon bilang pundador ng komunidad. Bilin ng alkalde sa Batch 11 ng Forever Young na i-enjoy nila ang mga aktibidad dahil minsan lang ito mangyari at sa susunod na batch ay ibang senior citizen naman ang makakaranas nito.
Pasasalamat ang mensahe ni Konsehal Raine Bayron sa Forever Young. Aniya malaki ang kanilang bahagi sa pagtaguyod ng pamayanan. Wika niya na tanging sa lungsod ng Puerto Princesa lang ang may ganitong programa na nagbibigay ng kalinga sa mga senior citizen at iyan ay nabuo sa pamamagitan ni Mayor Bayron.
Nagpasalamat kay Mayor Bayron si FSCAP (Federation of Senior Citizens Association of the Philippines) Federation President Mercedez Avanceña dahil sa pagmamahal at pagkalinga na ipinararanas ng alkalde sa kanilang mga senior citizens.
Sinundan ang maikling programa ang salo salong almusal. Nagkaroon din ng Photo Op ang mga forever young kasama sina Mayor Bayron at Konsehala Bayron at pagkatapos ay nagpatuloy na sa mga aktibidad.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |