CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Mahalagang papel sa pangangalaga ng karagatan, dalampasigan, look o baybayin ang programang kinonsepto at pinagtatagumpayan sa ilalim ng Mega Apuradong Administrasyon – ang Save the Puerto Princesa Bays.
Sa pag-arangkada nito sa ika-labindalawang episode noong Oktubre 12, muling nakapaghakot ng basurang umabot sa 2, 624 trash bins o katumbas ng 52.89 tonelada. Maliban sa mga inihandang pagtatanghal at zumba exercise na pampagising sa maagang pagbangon ng mga lumahok ay naging mas makabuluhan ang aktibidad mula sa diwa ng bayanihan ng mga mamamayan. Nagkaroon rin ng mudball throwing, Scoop Basura version 2.0 at ang coastal cleanup activity.
Ang mga bay ng Puerto Princesa ay tahanan ng napakagandang likas na yaman at mga endemikong uri ng hayop. Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng "Save the Puerto Princesa Bays," tayo ay nagkakaisa upang protektahan ang mga ito mula sa polusyon at iba pang banta. Ang bawat hakbang na ating ginagawa, mula sa simpleng paglilinis hanggang sa mas malawak na edukasyon sa mga lokal na residente, ay isang hakbang patungo sa mas maliwanag at mas malinis na hinaharap.
Bahagi rin ito ng pinaghahandaan ng lungsod ng Puerto Princesa at ang Philippine Canoe Kayak Federation sa pagho-host ng 2024 ICF World Dragon Boat Championship sa darating na Oktubre 26 hanggang Nobyembre 4, 2024. Binigyang-diin rin ni Mayor Lucilo R. Bayron ang mahalagang papel na ginagampanan ng bawat residente sa pagprotekta sa Puerto Princesa Bay mula sa polusyon at pagkasira. Ang pangangalaga rin umano sa bays ng ating lungsod ay mahalaga hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyonkundi pati na rin para sa mga susunod na henerasyon.
Sa pagtutulungan rin ng mga lokal na grupo, pamahalaan, at mga boluntaryo, ang aktibidad na ito ay nagsisilbing inspirasyon para sa iba pang mga lugar na nangangailangan ng proteksyon at pag-aalaga. Sa bawat pagdalo at pakikilahok, tayo ay nagbibigay ng boses sa mga dagat at bay na hindi makapagsalita para sa kanilang sarili. Ipinapakita nito na ang pagmamahal at malasakit sa kalikasan ay hindi lamang responsibilidad kundi isang pribilehiyo.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |