CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

MGA KOLEKSIYON NG 2019, POSITIBO AT LUMAMPAS SA NILALAYON!

Mahigit sa 100% lampas sa nilalayong koleksyon mula sa mga buwis, butaw, bayarin at pang-ekonomikong pinagkakitaan ng pamahalaang lungsod sa taong 2019.

Nangunguna na rito ang koleksyon mula sa buwis ng mga ari-ariang di natitinag na may kabuuhang halaga na P230,818,410.84 na may 164% higit sa tinutudlang halaga na P141,000,000.00. Nakalikom naman ng P362,090,106.97 mula sa buwis ng mga negosyo na may 130% higit sa nilalayong P279,270,000.00. Naidagdag din sa kaban ng Puerto Princesa ang P195, 320,761.67 mula sa mga bayarin at pataw na may 124% inilagpas sa itinakdang halaga na P 157,500,000.00 kokolektahin.

Kumita rin ang lungsod ng P135,991,399.22 mula sa mga pang-ekonomikong establismentong pag-aari nito. Mataas ito ng 126% kumpara sa planong kokolektahin na P108,000.00. Ang pera mula sa economic enterprises ay mula sa mga entrances fees ng Puerto Princesa Underground River na P108,527,180.16, renta sa mga puwesto sa Baywalk na P2,603,945.54, renta at bayarin sa Puerto Princesa Land Transportation Terminal na P3,800,465.52 at P7,858,613.52 na kita ng City Coliseum.

Ikinagalak ni Mayor Lucilo R. Bayron ang mataas na koleksiyon sa nagdaang taon at hinikayat niya na ipagpatuloy ang mabuting serbisyo ng mga opisyales at mga kawani ng pamahalaang lungsod sa mga mamamayan upang mapanatili ang tiwala at suporta ng mga ito sa mga adhikaing pangkaunlaran ng kasalukuyang pamunuan.

Article Type: