CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng City Health Office at Local AIDS Council sa pagsisikap na patuloy na matugunan ang tumataas na kaso ng HIV sa lungsod.
Sa isinagawang 2019 Strategic Planning Workshop ng Puerto Princesa City Local AIDS Council (LAC) Executive Committee nitong Marso a uno, sa Amos Tara Community Center, napagkasunduang lalong paigtingin ang pagtuturo at pagpapa-alam ng mga tamang impormasyon kaugnay sa HIV-AIDS. Nais ng LAC na gamitin ang social media, diaryo, billboards, radio at lahat ng pamamaraan upang mas malawak na maipabatid ang mga impormasyon. Nais din ng LAC na maalis ang stigma na ikinakabit sa mga positibo sa HIV. Patuloy din pinaiigting ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng testing centers at social hygiene clinic na pinatatakbo ng City Health at NGO partners nito. Sa kasalukuyan ay mayroong 8 testing centers/ hygiene clinic sa lungsod at 3 sa munisipyo.
Samantala, layunin din ng LAC na maigting na maikampanya ang aktibong partisipasyon ng lahat ng ahensiya ng gobyerno, pribado at sa mga negosyo na pangalagaan ang kanilang bawat empleyado sa diskriminasyon dahilan sa HIV. Hinihikayat na bumuo ng HIV in the Workplace Policy na magtatakda ng mga panuntunan na po-protekta sa bawat empleyado at manggagawa habang nasa trabaho. Isasama ito sa checklist ng joint inspection team activity ng permit and licensing at requirement sa pagkukuha ng mayor’s permit. Ang HIV in the Workplace Policy ay napapaloob sa Republic Act No. 8504 o Philippines AIDS Prevention and Control Act of 1998.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |