CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Napili ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Department of Science and Technology) na maging “pilot area” ang Puerto Princesa para sa programang hinggil sa ligtas na pagkain. Ito ay  pagtalima sa Food Safety Act of the Philippines (RA 10611).  P1.3M ang inilaang nilang pondo para sa pagpapatupad nito kapag nalagdaan ang kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng kagawaran.

 

Inilahad kay  Mayor Lucilo R. Bayron ni Engr. PacificoT. SAriego Jr. ang layunin ,mga gawain  at ang komite na binalangkas sa pagpapatupad nito. Positibo naman na inayunan ito ng alkalde.  Aniya, napapanahon na pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng mga pagkaing  itinitinda sa siyudad.  Ito ay para maiangat ang kalidad ng mga  produkto , makasiguro sa malinis na pagkain at maiiwas sa possibleng sakit  ang mga kumakain dahilan sa maduming pagkain.

 

Ang pagiging “booming tourism site” ng lungsod ang nagbunsod  para sa  tinaguriang PPC First Project o Puerto Princesa City Food Industries and retailers Responsible in Safety and quality of products for Trading, production and consumption.  Dahil sa pagdami ng tao, nangangahulugan na tumataas ang pangangailangan sa iba’t-ibang  pagkain,  kasama na ang mga “street foods”. 

 

Sanhi nito, tuon ng programa na masuri ang physico-chemical at microbiological properties ng mga gawaan at ibinibentang  mga pagkain.  Balak din ng proyekto na makapagdesinyo, makagawa at  makapaglunsad ng “good manufacturing processes food cart.”  Kabilang din dito ang pagbibigay ng mga tulong teknikal tulad ng pagsasanay at pagbibigay ng kaalaman sa mga taong may kinalaman sa paghawak ng pagkain.

 

Ang Ad HOC Committee ay pinangungunahan ng Punong Bayan bilang focal person. Magkatuwang naman sa pagpapatupad ang DOST , City Health at Dept. of Health 4B.  Ang City Administrator ang secretariat na siyang mangangasiwa sa 5 komite na binubuo ng  mga kinatawan mula sa TESDA, Food Associations, DTI, Sangguniang Panlungsod, City Legal Office at Joint Inspection Team ng Business Permits and License Office.

 

 

 

Article Type: 
Categories: