CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Nov. 16 CIO - Makulay, masaya, matagumpay ang parada na kabahagi sa pagdiriwang ng ikatlong Puerto Princesa Underground River day noong Nobyembre 11, 2016.  Pinangunahan ito ng mga kawani mula sa iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlungsod, mag-aaral  at  drum and lyre ng mga paaralan, mga kapitan ng mga barangay, pribadong grupo at mga paddlers ng dragon boat competition na mula pa sa iba’t-ibang samahan sa Pilipinas at sa mga bansa sa Asia , Europa at America.

Apat na float ang rumampa sa kalsada na  naghahayag ng makakalikasang tema. Napanalunan ng New City Commercial Complex ang unang puwesto na may premyong P100,000.  Pinangalawahan ito ay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na tumanggap ng P75,000 , at  nasa ikatlong pwesto naman 2Go travel and tours na ginawaran ng P50,000. Sumali rin ang tanggapan ng PPUR na ang dekorasyon ay ang matatagpuang mga hayop at halaman sa kapaligiran ng pamosong kweba.  

Sa streetdance competition, nagwagi ng P 75,000 ang Sta. Monica National High School sa unang pwesto. Puerto Princesa City Science High School ang nasa ikalawang pwesto na may premyong P50,000 at ang Irawan National High School ang pumangatlo na may P30,000 premyo.

Dahil sa costume nilang mala- paniki, nanguna ang City Government scholars na nagtamo ng  P50,000 premyo.  Pumangalawa  ang Sangguniang Panlungsod  na ginawaran ng P30,000 dahil sa kanila mala-agilang headress at  palamuting pakpak ng ibon sa dibdib ng mga partisipante.  Ang City Social Welfare and Development office ay pumangatlo  na tumanggap ng P20,000.  Filipiniana ang kanilang kasuutan na may palamuting nakakapit na maliliit na unggoy at bayawak sa tagilirang bahagi.    

Article Type: 
Categories: