CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Nov. 14 CIO - Dinayo ng manonood ang makulay na street dancing competition nitong Nobyembre 9. Ito ay bahagi ng 2nd MiMaRoPa Festival na ginanap sa Lungsod ng Puerto Princesa mula Nobyembre 7-13.

 

Pitong delegasyon na kinabibilangan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Puerto Princesa City at Calapan City ang naglaban-laban para sa korona ng pinakamahusay na mananayaw sa kalye na nagpapakita ng natatanging festival ng probinsiya at lungsod.

 

Tinanghal na pinakamahusay sa street dancing competition ang Occidental Mindoro sa kanilang Arawatan festival. Tatlong daang libong piso (300,000.00) at tropeo ang tinanggap ng delegasyon. Pangalawa ang Calapan City sa Kalap Festival na may premyong dalawang daang libong piso (200,000.00) at tropeo. Nasa ikatlong puesto ang Palawan sa Baragatan Festival. Isang daang libong piso (100,000.00) at tropeo ang tinanggap na premyo.

 

Best in dance parade, best in choreography, best in musicality, best in production at best in costume din ang Occidental Mindoro.

 

Isinasagawa ang MiMaRoPa Festival upang higit na maipakilala ang mga pagdiriwang ng mga probinsiya at lungsod ng rehiyon. Pagkakataon din ito upang maipakita ang kanya-kanyang lokal na produkto sa Agri trade fair.

 

Samantala ang 3rd MiMaRoPa Festival ay gaganapin sa probinsiya ng Romblon sa susunod na taon.

 

Article Type: 
Categories: