CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct. 06 CIO - Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang paglunsad ng proyektong Balayong Park Development ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa noong Setyembre 29, 2016. Ginanap ito sa Government Center sa Sta. Monica katabi ng Ramon V. Mitra Sports Complex.
Kabilang sa mg seremonyang ginawa ay ang pagtatanim sa limang malalaking puno ng balayong na mula sa mga kaparangan. Inilipat ito sa tulong ng mga Korean volunteers gamit ang Korean transplanting technology. Nagtanim din ng mga seedlings ng balayong sa may likuran ng dating gazebo. Binasbasan ang mga ito ni Bishop Pedro Arigo, kabilang ang “time capsule” at ang “development plan” ng parke.
Ang Balayong Park ay may lawak na 5.8 hektarya na may tinatayang kabuuang halaga ng pagpapagawa na P100M. Sa kanyang mensahe, ipinaalam ni Mayor Bayron na kapag natapos na ang parke, dito gagawin ang pagdiriwang ng Balayong Festival at iba pang mga akitibidad ng Puerto Princesa. Magkakaroon ito ng balayong tree tunnel, central park, water park, fitness/recreational park, ecumenical chapel na may meditation garden, restaurant na may viewdeck at may kainan sa labas, auditorium/amphitheater, children’s park at museum na may mga public restrooms.
Ang layunin ng pamunuan ni Mayor Bayron na mabigyan ng karagdagang lugar-pasyalan ang mga Puerto Princesans, mga lokal at ang mga banyagang turist. Ito ang inspirasyon ng kanyang administrasyon upang isakatuparan ang proyektong Balayong Park.
Dumalo rin sa nasabing paglulunsad ang mga kagawad ng lungsod, puno ng mga tanggapan, mga namumuhunan sa industriyang turismo, opisyales ng Puerto Princesa Integrity Circle, media at iba pang mga bisita kabilang na mga Korean volunteers sa pangunguna ni Mr. Jin Lee.
Ipinanukala rin ng alkalde na isakatuparan ang programang “Balayong Tree Adoption” na ihahain sa mga indibidwal, samahan at maging sa mga empleyado. Sila ang mangangalaga sa bawat puno na kanilang aampunin upang makasigurong lalago ito at yayabong.
Ang puno ng Balayong o Palawan Cherry Blossoms ay kahawig ng bulakalak na Sakura o Cherry Blossoms ng Japan.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |