CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Oct. 3 CIO - Pinangunahan ni Secretary Silvestre Bello III ang grupo ng mga opisyales mula sa iba’t-ibang tanggapan at mga katuwang na mga ahensiya ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbisita sa Puerto Princesa nitong ika-13 ng Setyembre.
Nagtungo sila sa lungsod kaugnay ng pagsasagawa ng kampanya laban sa Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons at sa Capability Enhancement of the Overseas Employment Program. Naibahagi ni Sec. Bello na magtatatag ang DOLE ng anti-illegal recruitment group dito sa Palawan upang matigil na ang panloloko ng mga illegalista sa mga taga-lalawigan at lungsod. Paraan din ito upang mahuli ang nanloloko para maparusahan at mabigyang hustiya ang mga nabiktima.
Kasabay na rin ang paglalagda ng kasunduan para sa ibinigay na lote ng Pamahalaang Lungsod na pagtatayuan ng gusali ng kagawaran. May kabuuang sukat ito na 1,165 metro kwadrado na matatagpuan sa government center sa Sta. Monica. Pinasalamatan ni Sec. Bello ang paggawad ng espayo na kung saan binabalak patayuan ng gusaling may halagang P50M. Magsisilbi itong One Stop Shop para sa mga Overseas Filipino Workers mula sa siyudad at sa lalawigan para sa pagpoproseso ng mga papeles. Magkakaroon ng mga kinatawan na mag-aasikaso mula Sa Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration at iba pang ahensiya na kinakailangan sa pagtatrabaho sa ibang bansa ng isang Pilipino.
Nilagdaan din sa nasabing gawain ang isa pang kasunduan para sa Re-integration Program para sa mga OFWs na taga Palawan at nagbalik na sa Pilipinas.
Nagpaabot naman ng pasasalamat at suporta ang mga puno at kinatawan ng mga tanggapan ng TESDA, OWWA, POEA sa lahat na programa at proyekto ng pamahalaan ng Puerto Princesa sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Lucilo R. Bayron para sa paggawa at empleyo .
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |