CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Aug. 04 CIO - Labing-limang (15) sementadong kalsada sa Lungsod ng Puerto Princesa ang pinasinayaan noong July 9, 2016. Pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang pagpapasinaya kasama ang Barangay Kapitan, bgy. Kagawad at department heads ng Pamahalaang Lungsod.
Buo ang pasasalamat ng mga opisyales ng barangay at mga residente sa ipinagkaloob na proyekto ng Punong Lungsod. Nakiusap naman ang Punong Ehekutibo na ingatan at alagaan ang mga kalsada upang matagal itong mapakinabangan. Sabi nga ni Mayor Bayron ang pag-gagawa ng mga proyekto ay dapat na “one time big time” matibay at de kalidad upang makatipid ang pamahalaan at mas maraming magagawang proyekto.
Ang road concreting projects ay alay ni Mayor Bayron sa mga mamamayan ng lungsod.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |