CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, June 10 CIO - “Dahil mahal kayo ng inyong Punong Lungsod Lucilo R. Bayron at nagmamalasakit sa sektor ng transportasyon, minabuti nito na magkaroon ng Satellite Office ang Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) dito sa lungsod upang matugunan ang inyong pangangailangan sa pagkuha ng prangkisa ng inyong mga sasakyan.”  Ito ang tinuran ni Ginoong Winston Gines, LTFRB Chairman.

 

Bago umano matapos ang buwang kasalukuyan ay magkakaroon na ng satellite office ang LTFRB sa City Coliseum na libreng ipapagamit ni Mayor Bayron at magtatalaga ng karagdagang kawani na magmumula sa pamahalaang lungsod na siyang makakatuwang ng mga regular na empleyado ng LTFRB mula sa rehiyon IV B.

 

Sa pakikipagpulong na isinagawa ng grupo ni Chairman Gines, kasama sina LTFRB Regional Director Dennis Baryon ng Region IV- B at Arnel Del Rio na mula naman sa Public Assistance Office ng naturang ahensya ay binigyang linaw ang ilang mga usapin sa pagbibigay ng prangkisa at ang kasalukuyang problemang kinakaharap ng mayroong mga prangkisa laban sa mga colorum.

 

Ayon kay Chairman Gines, irerekomenda nito sa papasok na bagong pamunuan ng magbukas ng mga bagong prangkisa para sa lungsod. Ito ay upang matugunan ang problema ng transport sektor hinggil sa mga colorum.

 

Nilinaw naman ni Director Dennis Baryon, LTFRB Regional Director IV-B ang bawat klasipikasyon ng mga prangkisa na kanilang ibinibigay at dapat kunin ng mga transport operators; katulad ng mga sumusunod:

UV (Utility Vehicle)                                   -  point to point, hindi lalampas sa 30 kilometro ang layo na dapat itakbo ng sasakyan, mayroong terminal, mayroong nakatakdang pamasahe at hindi maaaring kumuha ng mga pasahero na madadaanan.

 

Tourist transport                          -   pawang mga turista lamang ang sakay ng naturang sasakyan at walang terminal; hindi maaaring maningil ng bawat tao, walang terminal, direktang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng travel & tours at hindi rin ito maaaring kumuha ng mga pasahero na madadaanan.

 

Transport Network Vehicle Services  -  nagkakaroon ng booking o pagpapatala sa pamamagitan ng smartphones applications, walang specific na ruta at hindi maaaring parahin ng mga pasahero na nag-aabang sa mga kalsada.

 

Dapat umano na siguruhin ng mga kukuha ng prangkisa kung saang kategorya ang ina-aplayan ng mga ito upang maiwasan ang anumang paglabag sa panahon na istriktong ipapatupad na ang mga alituntunin at batas ng LTFRB ditto sa lungsod.  

 

 

 

Nais ng Apuradong Administrasyon na maayos ang sektor ng transportasyon na isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang sumusulong na lungsod.  Hangarin din ng naturang pamunuan na mabawasan ang gastusin ng mga transport operators sa pagkuha at pag-ayos ng kanilang mga papeles sa pagkuha ng kanilang prangkisa sa lalawigan ng Batangas.

 

Sa pagkakaroon ng satellite office ng LTFRB dito sa lungsod, wala ng rason ang sinuman na hindi kumuha ng prangkisa para legal na mag-operate dito sa lungsod.

 

 

 

 

Article Type: 
Categories: