CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, June 9 CIO - Tutungo sa Lungsod ng Puerto Princesa ang National Assessment Team ng Department of the Interior and Local Government ( DILG) upang magsagawa ng pagsisiyasat kaugnay sa parangal ng Seal of Local Governance 2016. Ang grupo na binubuo ng kinatawan ng DILG, Civil Society Organization (CSO) at mga partner agencies ay iikot sa mga opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa mga petsang mula unang linggo ng Hunyo hanggang ika- apat na linggo ng Hulyo 2016 (1st week of June to 4th week of July 2016). Ito ay ayon sa Memorandum Circular No. 2016-01 ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento na may petsang January 5, 2016.
Ayon sa City Planning Office, mayroong tatlong (3) Core na sisiyasatin upang matasa (subject for assessment) ang mga Local Government Units (LGUs) sa bansa. Una, ang Financial Administration. kung saan dapat nakapaskil ang katayuang pang-pinansyal ng lungsod na tumutugon sa Full Disclosure Policy. Pangalawa, ang Disaster Preparedness, mga gawain at aktibidad sa aspeto ng kahandaan sa oras ng sakuna. Pangatlo ang Social Protection, ang pangangalaga sa mga kababaihan (women), kabataan (youth), katandaan o senior citizens, katutubo (indigenous peoples) at sa mga may kapansanan o Persons with Disabilities (PWDs).
Samantala, mayroon pang 3 Essential Areas na dapat ipasa ng Puerto Princesa LGU, ang Business-Friendliness and Competitiveness kung saan nararapat ay maganda ang ugnayan sa mga negosyante at may mga batas upang isulong ito sa komunidad. Peace and Order na nagpapakita ng kagalingan sa pag-mantina ng kapayapaan at katahimikan sa lokalidad upang maprotektahan ang mga mamamayan. At Environmental Protection na pagpapakita ng paggalang sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapatupad (implementation) ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Matatandaang, dumalaw sa siyudad ang team ni Assistant Regional Director (ARD) Karl Caesar Rimando ng DILG Region IV-B MIMAROPA mula April 14 hanggang 15, 2016. Base sa rekomendasyon ng regional at national assessment teams ang mga makakapasa na LGUs ay ii-endorso sa unang linggo ng Agosto 2016 at ang Announcement ng mga pumasa para sa Seal of Local Governance 2016 ay sa buwan ng September ng 2016.
Ang mga awardees ay ipo-post sa official website ng DILG at ipapa-alam ng mga Regional Offices sa mga LGUs na kanilang nasasakupan.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |