CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, June 9 CIO - Bumisita noong Hunyo 7, 2016 sa tanggapan ni Punong Lungsod Lucilo R. Bayron si City Schools Division Superintendent Dr. Elsie T. Barrios at ang ilang mga kasamahan sa dibisyon upang ilahad ang mga agarang pangangailangan ng Palawan National School at ang mga planong suhistiyon upang paunang matugunan ang mga suliranin.
Ayon kay Superintendent Barrios, ang PNS ay ang may pinakamalaking paaralan at dami ng estudyante sa Puerto Princesa lalo na ngayong pagpasok ng K-12 na nagresulta sa kakulangan ng mga pasilidad. Aniya, nagkataon na hindi pa natatapos ng DPWH ang konstruksyon ng mga school buildings sa nasabing paaralan. Dagdag pa niya, hindi pa din nagagawa ang bidding para sa mga arm chairs o upuan dahil sa election ban. Dahil sa kalagayang ito, kinakailangan nilang gumawa ng contingency plans.
Isa sa kanilang plano ay humanap ng mga magagamit na pansamantalang silid-aralan habang hinihintay matapos ang ginagawang gusali. Kanila namang hiningi ang tulong ng Punong Lungsod sa kakulangan ng upuan upang may magamit ang mga estudyante. Agad namang tinugunan ni Mayor Bayron ang kahilingang ito. Kaya naman malaki ang pasasalamat nila Superintendent Barrios sa Punong Lungsod gayon din kay Congressman elect Gil Acosta sa pagbibigay ng mga ito ng suporta at pagtugon sa kanilang kahilingan.
Samantala, ang lahat na National High Schools sa lungsod ay mag magbubukas ng senior high school program dahil sinisiguro ng City Schools Division na may mapupuntahang paaralan ang mga estudyante. Patuloy parin ang paghahanda sa iba pang ayuda ng City Dep Ed para sa darating na pasukan sa June 13, 2016.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |