CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, May 31 CIO - Mahigpit na ipatutupad ng City Traffic Management Office sa lungsod ang 50/50 scheme sa mga tricycle bilang paghahanda sa pasukan ngayong June 13. Sisimulan ito mula unang araw ng hunyo sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.
Ayon kay Engr. Jonathan Magay, mula June 1 hangang June 12 ay sisimulan ng ipatutupad ang 50/50 scheme. Magtatalaga ng traffic enforcers sa lansangan upang pansamantalang pigilang makapagbiyahe ng ilang oras at sumailalim sa briefing ang driver hanggang sa muli itong makasanayan. Mula alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi bawat araw ay iisang kulay ng tricycle lamang ang papayagang bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng lungsod. Maaring asul o puti depende sa mapagkakasunduan ng bawat TODA sa lungsod. Mula June 13 ay mahigpit na itong ipatutupad at papatawan ng multa ang mga lalabag ayon sa nasasaad sa Ordinansa 271 na batayan ng 50/50 scheme sa lungsod.
Ang mahigpit na pagpapatupad ng 50/50 scheme ay upang maibsan ang dagsa ng trapiko lalo na sa pasukan. Inaasahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko mula June 13, unang araw ng pasukan sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Samantala, ipinaliwanag din ni Engr. Magay na ang 50/50 scheme ay ipinatutupad lamang sa mga pangunahing lansangan ng lungsod. Sa mga interior at crossing roads partikular mula sa Junction 2 ay pinapayagan mamasada ang tricycle na di naka-schedule bumiyahe.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |