CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Dec. 28 CIO - Sa hangarin ni Mayor Lucilo R. Bayron na mapabilis at maging magaan ang pagkuha ng mga permit at lisensya ang mga negosyo sa Puerto Princesa sa susunod na taon, nilagdaan niya ang Executive Order Bilang 19, serye ng 2015. Tinagurian itong “Pagpapatatag ng simpleng pagpaparehistro ng mga negosyo sa Puerto Princesa” o Institutionalizing the simplified business registration for businesses in Puerto Princesa.”
Sa kautusang ito nakasaad ang mga paraang ipapatupad, pormas na gagamitin at mga kinauukulang tanggapan na mangangasiwa sa proseso. Batay sa EO 19, bago isagawa ang mga hakbang sa pagkuha o pagrenew ng business permit para sa taong 2016, tiyaking kompleto ang kinakailangang dokumentong nakasulat sa pormas na Consolidated Pre-Processing Clearance (CPPC) na makukuha sa Permits and Licensing Division. Dapat din na aprobado ito ng mga kinauukulang puno ng tanggapan o kanyang kinatawan. Kapag ito ay kompleto na maari ng sundin ang mga sumusunod na hakbang :
Ipasa sa Business Tax Division ng City Treasurer’s Office ang aplikasyon at ang lahat ng mga kinakailangang dokumento na nakasaad sa inyong aprobadong Consolidated Pre-Processing Clearance (CPPC) upang matasahan kung magkano ang babayaran.
Bayaran ang buwis at iba pang bayarin sa Cash and Receipts Division
ng City Treasurer’s Office. Bibigyan kayo ng Claim Stub na siyang gagamitin sa pagkuha ng aprobadong Business Permit.
Kunin ang aprobadong Mayor’s Permit/Business Permit sa Business Permits and Licensing Office.
Tinatayang makukuha ninyo ang Business Permit sa loob ng 1-2 araw para sa renewal, at 5-7 araw sa mga bagong permit simula sa araw na natanggap ang inyong aplikasyon.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |