CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Nov. 16 CIO - Pormal ng pinailawan ni Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron ang 34 poste ng bagong tayong streetlights na matatagpuan sa Rafols Road nitong Nobyembre a dyes, ganap na alas-sais ng gabi. Ito ay ang kalsadang matatagpuan sa Western Philippines University o WPU papuntang DPWH.
Ang 34 na konkretong poste at konkretong electrical post ay nagkakahalaga ng 1,318,803.08 na ginawa lamang ng halos isang buwan. Ito ay patunay na ang Apuradong Administrasyon ay tunay kalaban ng kadiliman. Matatandaan noong 2014, sa open forum sa WPU ay hinihiling ng pamunuan ng WPU na mapailawan ang kalsadang iyon. Bagama’t medyo natagalan, dahil sa kakulangan sa budget at iba pang pagkaantala ay naihabol parin ang proyektong ito bago matapos ang taon sa pamamagitan ng Bayanihan project.
Labis naman ang pasasalamat ng mga guro at estudyante ng WPU at Puerto Princesa School of Arts and Trade. Mawawala na ang kanilang pangamba sa pag-uwi mula sa kanilang mga night classes. Ikinatuwa din ito ng mga empleyado ng mga tanggapang malapit sa lugar na napailawan gayon din ang mga residente ng barangay Sta. Monica, hindi na sila muling maglalakad sa dilim dahil sa pailaw ng Apuradong Adminstrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron.
Samantala, nitong a-dose ng Nobyembre ay pinailawan na din ang bagong gawang konkretong poste ng ilaw sa City PNP at Bureau of Fire compound. Nais ni Mayor Bayron na maliwanag ang paligid para sa mga tutungo sa PNP station sa gabi.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |