CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, November 9 CIO - Upang maikintal sa isipan ng mga mamamayan ang sustansiyang dulot ng brown rice, ang City Agriculture Office ay nagsasagawa ng iec campaign sa mga barangay ng lungsod. Ito ay isang paghahanda sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month ngayong buwan ng nobyembre.

 

Ang brown rice ay organic dahil hindi ito ginagamitan ng kemikal tulad ng pesticides at fertilizers. Ito ay sagana sa vitamin B na pinagkukunan ng fiber. Ang brown rice ay malawakang itinatanim sa probinsiya ng Negros Occidental at sa Central Luzon.

 

Sa Puerto Princesa, ang mga magsasaka sa Barangay Sicsican, Binduyan, Inagawan-sub at Macarascas ay nagtatanim na rin ng brown rice. Ang proseso ng pagtatanim ay tulad ng kaingin method ng mga upland farmers. Ilan sa mga barangay na ginagamit ang upland farming ay ang Napsan, Maruyugon, Babuyan, Buenavista, Tagabinet, Lucbuan, Manalo, Maoyon at Langogan.

 

Samantala, bilang pakikiisa sa National Rice Awareness Month, dapat nating isa-isip na huwag magsayang ng kanin at bigas. Dapat magsaing lamang tayo ng sapat at siguruhing tama ang pagkaluto nito. Kumuha lamang ng kayang ubusin sa inyong pinggan sa bahay man, sa handaan o kakain sa labas. Dapat ay responsibleng pagkonsumo upang mabigyang halaga ang pagod ng mga magsasaka.

 

Article Type: 
Categories: