CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Oct 1 CIO - Ibinigay ni City DILG Director Rey S. Maranan kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron ang tatlong tseke matapos ang pagtataas ng watawat sa gusaling pamahalaan noong umaga ng Setyembre 28, 2015 . Nagmula ito  sa Kagawaran ng Interyor at  Pamahalaang Lokal (DILG) na may kabuuang halagang P2,655,779.23 bilang ayuda para mga proyektong patubig ng pamahalaang lokal sa ilalim ng Water Fund Bottoms Up Budgetting ng  2015. Magkaagapay ang dalawang ahensiya sa pagpapatupad ng mga proyektong ito kung saan kalahati ng pondong kinakailangan  ay sinasagot ng DILG. 

 

P531,060.61 ay inilaan sa Spring Development Level I Water Supply ng Bgy. Tanabag kung saan ang mga direktang makikinabang ng proyekto ay ang mga batak sa Sitio Kalakwasan.  P707,575.76 naman ang kabahagi sa Bgy. Inagawan Spring Development Level II Water Supply. Ang P1,417,142.86 ay paunang 80% ng kabuuang P1,71,428.58 halagang  ibibigay  para sa Spring Development Level II Water Supply ng Bgy. Bacungan. Ang mga naninirahan sa Sito Candis ang tuon ng proyektong ito.

 

Ang Level I Water Supply ay antas ng patubig sa komunidad na kung saan limitado ang nagpagseserbisyuhan, samantala ang Level II Water Supply ay patubig na kung saan ay mas marami ang nakakagamit na mga mamamayan sa isang lugar.

 

Upang masiguro na hindi mapapabayaan ang mga nasabing patubig, bawat lugar na benepisyaryo ay nagtatag ng kooperatiba na siyang mamamahala sa pagpapatakbo ng patubig matapos na mailipat ang proyekto sa kanila. Sa paraang ito, may pagkukunan ng pondong pang-gastos sa mga pagsasaayos sakaling may masisira o kinakailangan bilhin.

 

 

Article Type: 
Categories: