CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Aug. 11 CIO - Isa ang Puerto Princesa  sa mga  ahensiyang kasali sa Palawan Tourism and Trade Expo 2015  na ginanap sa Glorietta Activity Center  sa Makati mula ika-7 hanggang ika-11 ng Agosto.  Kabilang ito sa mga hakbangin ng pamunuan ni Mayor Lucilo R. Bayron sa  patuloy ng industriyang turismo sa siyudad.

 

 Makulay ang “booth” ng lungsod na ipinapakita ang mayabong na kalikasan sa pamamagitan ng mga “background poster”. Ipinalalabas naman sa telebisyon ang mga pangunahing pook pasyalan, masasarap na pagkaing lokal, endimikong hayop at halaman at iba pang  mga likas- yaman na matatagpuan lamang sa lugar. Tuwang-tuwa ang mga panauhing  pinatikim ang piniritong buto ng kasoy at binigyan ng maliit na “rain maker” bilang “souvenir”. Pang-aliw naman ang araw-araw na palabas sa entablado na nagpapakita ang kulturang Palaweño sa pamamagitan ng mga sayaw at mga awiting  ginagampanan ng Palawan Dance Troupe at mga mang-aawit mula sa lalawigan.

 

Sa mensahe ni Gobernador Jose C. Alvarez, kanyang sinabing ang expo ay simula pa lang ng marami pang gawaing ipatutupad upang makahikayat ng maraming turistang magtutungo sa lungsod at lalawigan.  Ilan sa mga panauhin nakiisa sa pagbubukas na gawain ay sina Palawan 1st  District Congressman Franz Josef Alvarez, Mr. Henry Basilio ng USAID  at Director Minerva Morada ng Department of Tourism-MIMAROPA. Ipinaabot naman ni Gng. Debbie Tan ng Palawan Tourism Council ang bating pambungad sa mga opisyales at iba pang mga bisitang dumalo. (amy)

 

 

 

Article Type: 
Categories: