CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Aug. 11 CIO - Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga opisyales mula sa iba’t ibang lugar dito sa lungsod upang magsagawa ng Lakbay Aral.

 

Kamakailan lamang ay dinalaw ng mga opisyales ng Liga ng mga Barangay mula sa munisipyo ng Magsaysay, Davao del Sur.  Nakatakda ang mga ito na manatili sa lungsod mula ika-10 hanggang ika-12 ng buwang kasalukuyan upang magsagawa ng pag-aaral hinggil sa pagpapatakbo o pamamalakad ng siyudad sa pagpapa-unlad ng turismo bilang isang local government unit.  Lalo na yaong pagpapatupad ng mga panturismong pasyalan na ibinababa sa komunidad o ang tinatawag na Community Based Sustainable Tourism.

 

Nakilala ang lungsod nitong mga nagdaang taon dahil sa mga programa at proyekto na ipinapatupad nito na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng sektor pangkalakalan, panturismo at pang agrikultura.  Maging ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng lugar.

 

Inaasahan na sa pagpapatupad ng mga panibagong programa ng bagong pamunuan ni Mayor Lucilo R. Bayron sa ilalim ng Apuradong Administrasyon ay patuloy na tatangkilikin ang Lungsod ng Puerto Princesa bilang isang modelong lungsod pagdating sa pag-iimplementa ng mga programa nito. (lyn)

 

Article Type: 
Categories: