CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Aug. 04 CIO - Dalawang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ang dumalo sa training workshop on Value Chain Analysis (VCA) na ginanap mula July 12 hanggang 18, 2015 sa Phinma Training Center, Cabangaan Road, Tagaytay City.

Sina Elizabeth Alzaga ng Office of the City Planning and Development Coordinator at Lilibeth Basaya ng City Agriculture ang 2 empleyadong dumalo sa training na sponsor ng Philippine Rural Development Project (PRDP).

Tinanghal na best presentor ng VCA ang mga representative ng syudad mula sa  mga kinatawan ng local government units (LGUS) ng Region IV-A (CALABARZON), Region IV-B (MIMAROPA) at Region V(Bicol Region), na binubuo ng 9 na probinsiya at 2 lungsod.

Hangad nitong maituro kung paano umangat ang produksiyon ng mga magsasaka at mangingisda sa lugar sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga priority commodities upang gawan ng value chain analysis.

Dapat lamang mayroong City Commodity Investment Plan (CCIP) upang maka-propose.  Nararapat ding makapasa sa City Development Council ang panukalang  value chain analysis. 

Dito sa Puerto Princesa, kasoy at mangga ang mga priority commodity. Katunayan ay nai-submit na ang value chain analysis ng kasoy sa Regional Project Coordinating Office (RPCO) at ang value chain analysis ng mangga ay naipasa na sa National Project Coordinating Office (NPCO).

Ang nasabing VCA ay nakasalang na para sa pag isyu (issuance) ng No Objection Letter (NOL).(rky)

 

Article Type: 
Categories: