CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa City Aug. 4 CIO – Maraming dahilan upang mabahala si Mayor Lucilo R. Bayron sa parating na EL NIÑO phenomenon na ayon sa PAGASA ay muling mararanasan ng ating bansa simula sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.

 

      Mismong ang mga international scientists ang nagsabi na ang mararanasang EL NIÑO ay isang “monster “ sapagkat maari nitong higitan pa ang pinsalang naidulot nito noong 1997-1998 dito sa Pilipinas na nagdulot ng pinsala sa mga pananim na umabot ng halagang P200M at sumira ng 10,390 ektarya ng lupain.  Sa kasaysayan ng Pilipinas, ito na yata ang pinaka malaking pinsalang naidulot ng tag-init sa ating bansa.

 

      Sa taong kasalukuyan, sang-ayon sa PAGASA, simula sa buwan ng Oktubre ay magsisimulang mararanasan ang tag-tuyo sa 32 mga probinsya sa bansa, 29 na probinsya ang makararanas sa buwan ng Nobyembre at 39 naman na probinsya ang tatamaan sa buwan ng Disyembre.  Ang Palawan kasama na ang lungsod ng Puerto Princesa ay maaapektuhan simula sa buwan ng Nobyembre at Disyembre.

 

      Tiyak malaki ang perwisyo nito sa ating mga kababayan sapagkat kamakailan lamang ay naranasan na natin ang kakulangan ng tubig.  At dahil inaasahang mas malupit ang parating na EL NIÑO, siguradong maraming mga agricultural crops at maging mga alagang hayop ang maaapektuhan at maging ang pagkakaroon ng grass fire ay delikado din. Kung kaya’t labis na pinag-iingat ni Mayor Bayron ang lahat ng ating mga kababayan at paghandaan ang lahat at gawin ang lahat ng nararapat.  Pupulungin din ni  Mayor Bayron ng lahat ng opisina na may kinalaman sa paghahandang ito.

 

      Bilang paghahanda, kasama sa mga contingency plans ng PPCWD sa pamamagitan ni Manager Tony Romasanta, ipinahayag niya na magdadagdag sila ng drilling site sa Barangay Irawan upang madagdagan ang supply ng tubig kasama na ang pagbili ng dalawang malalaking truck upang magamit sa water rationing habang pinagkaka-abalahan pa sa Manila ang pirmahan ng kasunduan sa pagitan ng PPCWD at ng Dept.of Justice (DOJ) ngayong buwan ng Agosto para sa pagkuha ng tubig mula sa Barangay Montible at Lapu-Lapu River na pawang sakop ng Department of Justice.(cio)

 

Article Type: 
Categories: