CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, July 23 CIO - Isang pagtitipon ng mga Local Government Units (LGU) sa Timog Silangang Asya (South East Asia) ang gaganapin sa August 25, 2015 sa Bayleaf Hotel, Intramuros manila, kaugnay ng Project I4J (partnerships for integrity and jobs).

Ito ay ayon kay Lorraine Banzuelo, ng City Planning and Development Coordinator Office, focal person ng proyekto sa lungsod ng puerto princesa.

Si Mayor Lucilo R. Bayron, City Legal Officer Atty. Gia Ariosa at kinatawan ng negosyo (business sector) ang mangunguna sa mga representatives ng syudad. 

Nakatakdang itampok ang napiling siyam (9) na pilot areas sa bansa kasama ang Puerto Princesa sa nasabing pagpupulong.

Iuulat ng mga lgu ang estado ng kanilang mga I4J projects sa mga kinatawan ng European Union (EU) sa pangunguna ni Project Director Dr. Peter Koeppinger. Ang EU ang siyang maglalaan ng pondo para sa proyekto.

Ang I4J project ay naka-focus sa progreso ng mekanismo ng integridad (integrity mechanism) at modelo ng lantad at epektibo na mga maliliit na negosyo (transparent and effective small business), rehistrasyon ng mamumuhunan (investment registration) at mga paraan sa pagsulong (promotion procedures) ng mga napiling LGU’s.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng komunidad, mangangalakal at taga gawa ng desisyon (decision makers) ng LGU’s.  

Ang I4J project ay nakatakdang i-implementa ng Konrad Adenauer Stiftung, isang German Political Foundation; European Chamber of Commerce of the Philippines; League of Province of the Philippines; League of Municipalities of the Philippines; League of Cities of the Philippines at Centrist Democracy Political Institute (CDPI).

Matatandaang ginanap ang training-workshop ng I4J sa Puerto Princesa noong December 2-5, 2014 sa Sheridan beach and spa sa Barangay Cabayugan.(rky)

 

Article Type: 
Categories: