CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa June 2 CIO - “ Kung kinakailangang abutin pa  natin ang malalayong barangay  ng Lungsod para sa  ibat-ibang  serbisyo mula sa ating  lokal na pamahalaan , gagawin po  natin , pupuntahan namin  kayo saan man kayo naroon ang serbisyo ng Damayan ang siyang lalapit na sa inyu ,  libre at tulong  para sa ating mamamayan , ito ay isa sa mga pinangako ko  sa inyo, na aking tutuparin “.

Ito ang madamdaming pahayag na  ibinigay ni Vice Mayor Luis M. Marcaida III , sa harap ng mga residente ng Barangay  Luzviminda sa pagbubukas ng isang araw na DAMAYAN. Isang programa na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa,  sa pangunguna nina Mayor Lucilo R. Bayron at Vice Mayor Luis M. Marcaida III. Layunin nito na mabigyan ng agarang solusyon o lunas sa pamamagitan ng atensyong medikal, agrikultura, problema sa lupa, o tulong alalay sa mga alagang hayop pagpapabakuna, kasama na ang livestock at livelihood program .

            Umaabot naman  sa mahigit kumulang sa dalawang libo na residente  ang nabigyan ng dental at medikal  kasama na dito ang problema sa lupa, rehistro sa kasal at iba pa sa mga  naturang barangay. Ang 11th Damayan ay naunang isinagawa sa mga Bgy. ng Binduyan, Concepcion, San Rafael, Marufinas, New Panggangan, Tagabinet, Napsan, Simpocan, Inagawan Sub, Kamuning Mangingisda at Luzviminda.

Ang DAMAYAN ay personal na pinapangasiwaan ni Vice Mayor Marcaida  nitong nakaraang biyernes May 29, 2015. Ang grupo ng Cenro ay nagresolba ng boundary dispute at usaping legal sa lupa. Ang Adventist hospital, Ospital ng Palawan, City Health Office, Team Wescom na nagbigay naman ng dental at medical services,  kasama din ang City Information Office  sa pangunguna ni CIO Henry Gadiano para sa documentation at local news. (edwin rada)

 

Article Type: 
Categories: