CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

 

     Puerto Princesa, June 2 CIO - Napanatili ng Puerto Princesa Team ang kampeonato sa katatapos na 2015 Summer Basketball League ng Palawan Basketball Association (PABA) na co-sponsored ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation at ng Coral Bay Nickel Mining Corporation.  Ito ang pangalawang pagkakataon na maiuwi ng team ang kampeonato ng karangalan sa lungsod at premyo na P1.5M worth of school building na itatayo ng sponsors sa lugar na mapipili ng pamahalaang lungsod ni Mayor Lucilo R. Bayron.  Ang ikalawang premyo ay nagkakahalaga ng P100,000 na paghahatian ng mga players mula sa mga barangay na bumubuo ng Team Puerto Princesa na kinabibilangan ng Barangay San Manuel, Barangay San Jose at Barangay Tagburos kabilang sa Cluster 6.

 

      Matatandaan na noong ginanap ang PABA 1st Season, ay tinanghal ding kampeon ang Team Puerto Princesa sa dalawang kategorya ng juniors at seniors at nag-uwi ng premyong umabot ng P3M na ginamit para sa pagtatayo ng 2 school buildings sa Mangingisda Elementary School at Tiniguiban Elementary School.

 

      Sa pagsisimula ng PABA 2nd Season nitong summer ay mayroon 10 clustered groups mula sa north and south.  Ginawa ang opening ceremony at unang laban maging ang championship game sa City Coliseum.  Ang laban sa finals ay sa  pagitan ng clustered groups 5, 6,7 and 8.  Samantalang, ang championship game naman ay pinaglabanan ng Cluster 6 & 8, na pinagwagian ng Cluster 6 na nahirang bilang 2015 PABA Summer League Champion.

 

     Taus sa puso ang pasasalamat ng RTNMC at CBNC sa suporta ni Mayor Lucilo R Bayron, sa City Sports , sa mga coaches, players at mga barangay officials :  Punong Barangay Panfucio L.- Inocente- Barangay Tagburos;  Punong Barangay Estrella Salvador- Barangay San Jose ;  Kagawad Ramon Dagot – Barangay San Manuel.

 

      Ngayon pa lamang ay pinag-uusapan na ang 2016 Season 3 ng  PABA at umaasa si winning coach Jack Altarejos na muling masusungkit ang kampeonato.(cio)

Article Type: 
Categories: