CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, May 27 CIO - Upang damhin ang huling hirit ng tag-init ipagdiriwang ang kauna-unahang Water Festival sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Ang selebrasyon ay nagbukas hapon ng may 26, 2015 sa pamamagitan ng first water fun run mula Capitol hanggang Baywalk. Masaya ang mga partisipante habang tumatakbo at hinahagisan ng tubig, gawgaw (cornstarch) at food coloring sa kahabaan ng Rizal avenue patungong baywalk. Sa gabi ginanap ang fire dance competition elimination round at ang reggae party.
May 27, 2015 itinakda naman ang water wars na may tatlong kategorya, ang uniformed men category, open division at ang 12 years old at below.
Sa may 28, 2015 naman ay gaganapin ang water polo, sagwanan, juego de agua at jolly hour.
Sa may 29, 2015 ay isasagawa ang talabis (takbo,langoy, bisikleta) o mini-triathlon at wipe-out.
Magkakaroon naman ng volleyball na naka-blindfold ang mga kasali sa may 30, 2015.
Ganundin ang spider boxing ng puerto princesa queen of queens. Alas sais ng gabi, ay gaganapin ng fire dancing competition (finals), pole dancing at water party.
Ang Water Festival ay hatid ng Apuradong Administrasyon ni Mayor Lucilo R. Bayron at ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.(ricky obligar)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |