CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, May 15 CIO - Opisyal ng nagsimula ang National HIV Testing Week mula May 11-15, 2015. At dahil nationwide ang coverage nito, ay sabay-sabay na ginanap ang gawaing ito sa ibat-ibang testing centers sa boung bansa sa pangunguna ng Department of Health (DOH).
Dumating sa lungsod si Dr. Eduardo Janairo- Regional Director (MIMAROPA) at mga kasamahan na masayang sinalubong nina Vice-Mayor Luis M. Marcaida III, Dr. Ric Panganiban, Dr. Eunice Hererra mula sa City Health Office; gayundin, ng mga opisyales mula sa Ospital ng Palawan (ONP).
Kaagad na isinagawa ang HIV testing ng libre sa tatlong mga establisyemento na una ng napili na sasailalim sa HIV testing kasabay ng pagbibigay ng information and awareness at paghihikayat sa mga workers na sumailalim sa test.
Lubha umanong nababahala ang DOH sa mabilis na pagtaas ng HIV cases sa buong bansa na umabot sa 20% kung ikukumpara sa nagdaang taon. Sa buwan ng Enero at Pebrero lamang ay mayroon ng 1182 reported new cases sa buong bansa. Ang buwan ng Pebrero 2015 ang nagtala ng pinaka-mataas na bilang na bagong kaso na umabot ng 646, pinaka-mataas sa kasaysayan ng HIV sa boung bansa. Nakaka-bahala din umano ang pagtaas sapagkat habang ang mga karatig na bansa natin dito sa Asya ay bumaba ang bilang ng mga HIV cases nila, tanging ang Pilipinas lamang ang tumaas ang bilang ng HIV cases.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |