CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, May 15 CIO - Naglaan ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa ng isang lugar sa ikalawang palapag ng bagong gusali sa City Hall Complex para sa Child-Minding Program na binuksan noong Abril 27, 2015. Magagamit ito ng mga empleyadong ina na may sanggol na pinasuso. Tinawag itong “breastfeeding corner” kung saan ang kuarto ay airconditioned, maliwanag at malinis, Pinoproseso na rin ang pagbili ng mga gamit tulad ng cribs, refrigerator at cabinets na paglalagyan ng mga pangangailangan ng mga sanggol.
Sa kasalukuyan, pansamantala rin itong ginagamit bilang lagakan ng mga anak ng mga nagtatrabahong empleyado at mga kliyenteng may nilalakad na mga papeles. Maaring iwanan ang mga batang may edad 0 hanggang 3 taong gulang upang makapaglaro o matulog habang abala ang mga ina. Mayroong mg aklat-pambata na mababasa, laruan na pagtutuonan ng pansin at iba pang mga gamit na pagkakaabalahan ng mga paslit. Nagtalaga na rin ng isang bantay na siyang titingin sa kaligtasan ng mga bata.
Nakatakdang ilipat ang lugar-laruan ng mga bata sa mas malawak na espasyo sa ikalawang palapag ng lumang gusali ng City Hall. Aayusin ito ayon sa disenyong palaruan kapag nakalipat na ang City Court na siyang nag-ookupa sa ngayon. Layunin ng Pamahalaang Lokal na makatulong sa pag-unlad ng kakayahang pangkaisipan at pampisikal ng mga bata. Bahagi ito ng Early Childhood Care Development Program na ipinapatupad ng Apuradong Administrasyon na pinamamahalaan ng City Social Welfare and Development Office.
Kaugnay nito, napabilang ang Puerto Princesa sa mga finalist para sa Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities sa ilalim ng Highly Urbanized Cities Category.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |