CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Sa katatapos na bidding na isinagawa ng Bids and Awards Committee (BAC) noong March 10, 2015 muling pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pamumuno ng Apuradong Administrayon ni Mayor Lucilo R. Bayron ang kanyang commitment na hindi dapat maging hadlang sa kanyang pamumuno ang ano mang sigalot sa pulitika bunsod ng recall election. Naniniwala ang Punong Lungsod na ito ay matagal ng dapat naisakatuparan ng pamahalaan at matagal na din idinadaing ng ating mga kababayan ang masamang kalagayan ng ating mga kalsada lalo pa’t tayo ay tinaguriang Highly Urbanized City. Ngayon ang tamang panahon sapagkat summertime at inaasahang matatapos ang mga ito bago magsimula ang tag-ulan at pasukan sa eskuwela.
Sang-ayon kay Atty. Gia Luy Ariosa-BAC Chairman, labinglimang(15) proyekto ang naaprubahan na at pawang awarded na sa ibat-ibang nagwaging mga kontratista. Ito ay ang mga sumusunod :
Projects Amount
1 Establishment of Rural Service Center at Bgy. Napsan P 6,l99,710.11
2. Construction of Three Classroom School Bldg. at
Bgy. Mangingisda West Elem.School Phase 1 2,327,185.77
3.Construction of National Child Development Center at
Bgy. Mangingida 2,291,267.17
4.Concreting of San Jose -.San Manuel Parallel Road (Santol to
Lomboy Street ) at Bgy. San Jose 14,941,620.00
5.Concreting of San Jose – San Manuel Parallel Road (Papaya St.
To Angela’s farm) at Bgy. San Jose 7,516,594.03
6.Concreting of Memorial Park Road – Muslim Cemetery Phase 1
At Bgy. San Jose 6,570,078.31
7.Concreting of Cacatian Road (Seabreeze ) Phase 1 at Bgy.
San Jose 7,158,851.68
8.Concreting of NHA Ville Access Road Phase 1 at Bgy.
San Jose 5,741,467.46
9.Concreting of San Jose-San Manuel Parallel Road (GMA Road
To San Manuel Road) Bgy. San Manuel 13,692,049.01
10.Concreting of City Employees Village Road Phase 1 at
Bgy. Sta. Monica 15,368,603.35
11.Concreting of Paduga Road Phase 11 at Bgy. Sta.Monica 12,024,061.13
12.Concreting of Apan Road Phase 1 at Bgy. Sicsican 10,798,996.42
13.Concreting of Libis Rd. Phase 11 at Bgy. San Pedro 9,846,740.15
14.Concreting of Lanzanas Road 1at Bgy. San Pedro 10,102,305.46
15.Concreting of Circulation Road-Phase 111 at Bgy. Bancao-bancao 11,069,790.90
_________________
TOTAL PROJECT COST P 136,072,360.05
================
Noong April 01, 2015 ay nailabas na ang Notice to Proceed (NTP) at inaasahang magaganap ang inauguration ng mga proyekto sa susunod na mga araw. Taliwas sa mga pinakakalat ng mga kritiko ni Mayor Lucilo R.Bayron, hindi sakop ang mga nasabing proyekto sa mga prohibited acts ng siyudad na ipinagbabawal ng Comelec dahil sa recall election sang-ayon na din sa Comelec Resolution No.9942 sapagkat ang mga petsang nabanggit katulad ng petsa ng bidding at mismo pag award ng NTP ay labas sa mga petsang ipinagbabawal ng Comelec.
Ang buong halaga ng proyekto ay pasok sa 2015 Annual Budget ng siyudad at nakapaloob din sa Annual Investment Program .
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |