CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Humigit-kumulang P2.613 ang inilaan ng National Government sa pamamagitan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at Department of Tourism (DOT) ang pagpapatayo ng bagong Puerto Princesa International Airport na inaasahang lalo pang magpapasigla sa turismo ng Lungsod. Inaasahan din na ang konstruksyon ng bagong airport ay magbibigay ng halos 1,400 trabaho para sa mga taga lungsod. Ang lungsod ng Puerto Princesa na tinaguriang gateway to Asia, ay mayroon nang direct flights to Taiwan tuwing linggo na ang mga turista ay nananatili ng tatlong araw sa lungsod upang makapunta sa mga magagandang tanawin kabilang na ang PPUR at Honda Bay.

                Matatandaan na maging noong nakaraang taon ay nagpahayag din ng financial support ang National Government sa pamamagitan ng Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa pamumuno ni CEO Mark Lapid, na naglaan ng P15M para sa engineering design ng modernong Sabang Terminal sa Barangay Cabayugan. Ito naman ang labis na ikinatuwa ng ating Punong Lungsod Lucilo R. Bayron.

                Kaugnay nito, pagtutuonan din ng pansin ng National Government ang pagpapaunlad ng ating daungan dito sa lungsod. Ang Department of Tourism ay nakikipagtulungan sa Philippine Ports Authority para paunlarin ang mga piling daungan sa ating bansa para sa cruise tourism. Sinabi ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr. na ang mga napiling lugar para sa proyekto ay kinabibilangan ng ports of Puerto Princesa, Manila, Subic, Boracay, Davao, Bohol, Cebu at Zamboanga. Sinabi pa din ng kalihim na “Airport upgrading and improvements must likewise come hand-in-hand with seaport development”. Ang nasabing plano ay bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng mga turistang dumating sa bansa sa pamamagitan ng cruise ships na umabot ng 52,820 sa taong 2014 kumpara sa 41,624 noong 2013 at 23,857 noong 2012.

                Sa unang pagkakataon, sa kasaysayan ng turismo sa Lungsod ng Puerto Princesa ay ngayon lamang nakapagtala ng pinakamataas na cruise ships arrival na umabot ng labindalawa hanggang Marso 2015 at aabot pa ng labinglima bago matapos ang 2015.

 

Article Type: 
Categories: