CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

“Pagkakaisa, positibong pananaw , respeto , sportsmanship at palagiang pagdarasal ” ito ang ibinahagi ni Kgd. Roy Ventura, Chairman ng Committee on Youth and Sports sa  mensaheng inspirasyon na ipinaabot ni Mayor Lucilo R. Bayron na kanyang kinatawan kahapon sa pagbubukas ng Palawan Basketball Association 1st Mayor’s Cup Basketball Tournament para sa lungsod ng Puerto Princesa.

 

Sampung grupo ng mga manlalaro, referees at mga tagapangasiwa ng basketball ang nagtipon noong Marso 30, 2015 sa City Coliseum para sa pagsisimula ng 1st Mayor‘s Cup Basketball Tournament.  Nagmula ang mga ito sa 66 na mga barangay kasama ang kani-kanilang mga opiyales ng barangay . 

 

Sa isang simpleng programa, naghatid ng pambungad na pananalita si City Information Officer Henry A. Gadiano .  “Play hard but play good” ito naman ang payong ipinaalam ni Coach Joe Lipa, PaBA Coaching Director. Inihalimbawa  niya ang sikat na basketbolistang si L.A. Tenorio na nagmula rin sa mga inter-barangay  basketball tournament, na dahil sa sipag sa pag-eensayo at tibay ng dibdib ay naging sikat.  Hinikayat niya rin ang mga referees na alagaan ang mga kabataan at bigyan sila ng pagkakataon na humusay sa paglalaro.  Hiniling din niya sa mga opisyales ang suportang kailangan upang matugunan ang paghihinang sa mga kakayanan ng mga kabataan.

 

            Pantay ang pagkapanalo ng apat na mga musa ng mga koponan bilang “Best Muse” na tatanggap na tig-lilimang-libong piso.  Sampung libo naman ang premyo sa Best in Uniform na napanalunan ng Cluster 4 na  magkakatabing barangay ng Iwahig, Inagawan, Mangingisda at  Luzviminda. 

 

            Matapos ang pambukas na palatuntunan dinaos kaagad ang mga palaro sa pagitan ng mga clusters na tatagal hanggang sa huling linggo ng Abril.  Ang magiging kampeon dito ay siyang ilalaban para sa PaBA provincial tournament.

 

 

Article Type: 
Categories: