CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Kabilang ang Lungsod ng Puerto Princesa sa kinilala ng DILG-Region 1V-B sa taunang programa nito dahil na rin sa kahusayan sa pamamahala ng lungsod sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron sa taong 2014. Ang pagkilala ay tungkol sa kategoryang Good Financial Housekeeping.
Nabatid mula sa lokal na tanggapan ng DILG na sumasakop sa MIMAROPA at ayon na din kay City Director Rey Maranan, na noong mga nakalipas na taon ito ay tinatawag na Seal of Good Housekeeping lamang sa pangkalahatan at hindi nagkaroon ng ibat-ibang kategorya tulad ng Good Financial Housekeeping. Napag-alaman din kay Ginoong Rey Maranan na tatlong kategorya ang napapaloob sa programang ito at mayroon pang nalalabing dalawang kategorya na hindi pa nailalabas ng DILG.
Subalit ang pinaka maganda sa ngayon ay kabilang ang Lungsod ng Puerto Princesa sa pagkilala na ito. Ito ay isang pagpapatunay lamang na ang 2014 na nasa pamamahala ni Mayor Lucilo R. Bayron, ay naging maayos ang pamamalakad sa pananalapi ng lungsod. Lalo na kung pagbabasehan ang inilabas ng Commission on Audit sa Statement of Audit Suspensions, Disallowances and Charges for all Funds Audited for the period ending December 31, 2014 na tinanggap ng City Mayor’s Office noong January 5, 2015, malinaw na ipinakikita sa nasabing report na walang suspensions, disallowances and charges para sa taong 2014.
Sa mga LGUs na na-assessed ng DILG- 1V-B lahat ng limang probinsiya kabilang na ang Palawan, ay pumasa sa parangal; samantalang tanging ang Lungsod ng Puerto Princesa lamang sa dalawang siyudad ang pumasok at mahigit kalahati sa bilang ng mga munisipyo na na-assessed ang napabilang sa parangal.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |