CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Sa nalalapit na hinaharap ay hindi na kailangang lumuwas pa sa Maynila ang mga mamamayan ng Puerto Princesa at Palawan para sa anumang transaksiyon sa Civil Service Commission sapagkat magkakaroon na ng sariling tanggapan ang Komisyon sa lungsod.
Ito ang masayang ibinalita ni City Mayor Lucilo R. Bayron kasunod nang isinagawang groundbreaking sa pagtatayuan ng CSC building sa government center na matatagpuan sa Brgy. Santa Monica. Ang pamahalaang lungsod ay nagkaloob ng 1,000 square meters na sukat ng lupain sa nabanggit na lugar.
Ang simpleng seremonya na pinangunahan ni Mayor Bayron ay personal na dinaluhan nina Commissioners Robert Martinez at Nieves Osorio na nanggaling pa sa Kamaynilaan. Ang okasyon ay sinaksihan ng ilang opisyal at mga kawani ng City Hall at CSC.
Binigyang-diin ng alkalde na ang magkatuwang na proyektong gugugulan ng CSC ay malaon nang pinapangarap ng mga Palawenyo na nabibigatan sa gastos sa tuwing magtutungo pa sa Maynila para sa mga kailangang dokumento na may kinalaman sa kanilang civil service eligibility at iba pang mahahalagang transaksiyon na may kaugnayan sa kanilang pamamasukan sa mga ahensiya ng gobyerno.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |