CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Itinanghal na 2nd Balayong Best Voice champion si Jeszammae Rebollos ng Barangay Bancao-Bancao noong ika-2 ng Marso sa Baywalk Area. Umangat ito sa labindalawang(12) katunggali na nagmula sa iba't-ibang barangay dito sa lungsod sa awiting All By Myself.
Nakuha naman ni Precious Joy Dizon, isang PWD ang pwesto bilang 1st runner up at si Bernie de Asis, isang driver ng RORO bus ang naging 3rd runner up.
kaiba ang naging basehan ng patimpalak ngayong taon; hindi ito kahalintulad ng pangkaraniwang singing contest. Ang labindalawang(12) finalist ay sumailalim sa dalawang song productions. Ang opening production ay bahagi ng kriteria sa pag-judge ng mga hurado. Nagkaroon ng dalawang bahagi ang patimpalak - ang Battle 1 at Top 3 Showdown.
Tumanggap ng 10,000.00 at tropeo ang kampeon; 7,000.00 at tropeo ang 1st runner up at 5,000.00 at tropeo ang 2nd runner up. Samantalang mayroon namang tig 1,000.00 bilang consolation prize ang mga kalahok na di pinalad manalo.
ang taunang Balayong Best Voice ay patimpalak na pinangungunahan ng Tanggapan ng Impormasyon upang makapagbigay inspirasyon sa mga kababayan natin na mayroong talento sa pag-awit na maipakita it at ma-develop bilang isang potensiyal na talent sa anumang programa o event na isinusulong ng Pamahalang Lungsod.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |