CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Jan. 13 CIO - Maayos na koordinasyon, sistematikong proseso at tamang pagtatasa ng mga ari-ariang di natitinag ang ilan sa mga epektibong paraang isinakatuparan ng City Assessor’s Office ng Puerto Princesa na nagresulta sa malaking kabuuang koleksiyon ng buwis para sa taong 2014 na may kabuuang halaga na  P193M .

Nagkaisa rin ang mga tanggapan ng City Assessor, City Treasurer, City Engineering at ang City Register of Deeds sa pagbibigayan ng mga mahahalagang datos upang malaman ang mga lupa at gusaling hindi pa natatasahan, mga ari-ariang di natitinag na kailangang ng depresasyon ang pagtatasa, mga bagong natituluhang lupa , mga lupang ginamit ng gobyerno na hindi dapat isali sa listahan ng mga bubuwisan at ang mga pagsasaayos o pag-unlad na naisagawa sa mga nasabing ari-arian.  Dahil dito, naibaba ang naunang tuong koleksiyon na itinalaga ng Bureau of Local Government  Finance  mula sa P179M sa P139M na lamang.

Sa pinakahuling pagsusuri ng City Assessor’s Office na isinagawa noong ikatlong kwarter ng taon 2014, umabot sa 1,100,024,509.00 ang “exempted” o hindi dapat buwisan na mga ari-arian.  Kasama dito mga daan, gusaling pampubliko , paaralan, hospital at mga simbahan.

 Ayon kay Engr. Joven V. Baluyut, Asst. City Assessor , kabilang na dito ang pagkakadiskubre ng mga gusaling bagong gawa na hindi idineklara ng may-ari na ginagamit na.  Bunga nito, ipinatupad na ang panuntunan na bigyan kopya  ng City Enginering ang kanilang tanggapan ng lahat na mga gusaling may “occupancy permit” upang  matasahan na ito ng karampatang buwis na dapat bayaran.   Nagbibigay kaalaman rin and City Register of Deeds ng mga lupang bagong natituluhan at ang pag-iiba ng  pagmamay-ari .

Ang mga pagbabago sa datos  sa mga  ari-ariang di natitinag ay ipinapasok sa Enhanced Tax Revenue Assessment and Collection System o ETRACS na nagpapabuti at nagpapabilis ng serbisyo sa mga magbubuwis.

Bumuo rin ang bagong talaan ng mga serbisyong ibinibigay ng City Assessor Office na magagamit ng mga kliyente sa anumang transaksiyon sa tanggapan.  Mayroon itong paalala patungkol sa mga nahuhuling notipikasyon sa paglilipat ng pag-aari ng mga ari-ariang di natitinag.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat at pagmomonitor ng City Assessor sa mga bubuwisang ari-arian upang maging laging “updated” ang kanilang talaan .  Layunin nila na makatulong sa muling pag-abot ng tuong halagang kokokolektahin para sa 2015 buwis.

 

 

Article Type: 
Categories: