CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Jan 13 CIO - Pagkaraan ng mahabang panahon nang paghihintay ay magkakaroon na rin ng katuparan ang pinapangarap na patubig ng apat na barangay ng Puerto Princesa sa loob lamang ng isa at kalahating taon na panunungkulan ni Mayor Lucilo R. Bayron.
Huwebes, Enero 8, 2015, ay pinangunahan ng alkalde ang groundbreaking ceremonies ng mga proyektong ito sa mga barangay ng Binduyan, Napsan, Bagumbayan, at Luzviminda.
Ang pondo para sa mga nabanggit na proyekto ay mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) na ipinadaan sa pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa sa inisyatibo ni Mayor Bayron.
Ayon kay Antonio Romasanta, general manager ng Puerto Princesa Water District (PPCWD), P1-M ang inilaan ng DILG para sa Brgy. Binduyan ngunit upang mapakinabangan ng mas maraming residente, mahigit isang milyong piso pa ang idaragdag dito ng city government at PPCWD.
Inihayag ni Mayor Bayron na ang gobyerno ay naglaan din ng halagang P5.2-M para sa Brgy. Mangingisda, P3-M para sa Brgy. Napsan at P300,000.00 para sa Brgy. Bagumbayan.
Sinabi ng alkalde na ang city water district ang mamamahala sa proyekto kung saan ay nakahanda nang pasimulan ang pagbili ng mga materyales.
Nagpasalamat naman kay Mayor Bayron ang mga opisyal at residente ng apat na barangay sa dahilang sa maigsing panunungkulan pa lamang umano ng alkalde ay naipagkaloob sa kanila ang matagal nang inaasam na serbisyo ng patubig.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |