CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Jan. 13 CIO - Pinangunahan ni Rev. Fr. Camilo Caabay, kuraparoko ng Sta. Monica Parish ang pagbabasbas ng cafeteria ng Puerto Princesa City Government Employees Multi-Purpose Cooperative noong January 12, 2015.

 

Si Vice Mayor Luis Marcaida III at Assistant Majority floor leader konsehal Matthew Mendoza ng Sangguniang Panlungsod ang nanguna sa ribbon-cutting ceremony ng canteen, consumer’s store at credit business center sa loob ng cafeteria sa basement ng New City Hall Complex.

 

Sa kanyang mensahe, bilang kinatawan ni Mayor Lucilo R. Bayron, sinabi ni bise-alkalde Marcaida na siya ay nalulugod sa magandang pagpapatakbo ng pamunuan ng kooperatiba ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa. Aniya, patunay ito ng tiwalang ibinibigay ng mga financing institutions sa lungsod at lalawigan.

 

Dahil matatag ang kooperatiba madali lamang ang pakikipagnegosasyon sa mga institusyong nagpapautang.

 

Makakaasa naman daw ang PPCGE-MPC ng buong suporta mula sa aprubadong administrasyon.

 

Ayon naman kay Kagawad Mendoza, nararapat magtulungan ang lahat upang mas mapaunlad pa ang kooperatiba ng mga empleyado ng City Government of Puerto Princesa.

 

Tunay ngang tuloy-tuloy ang pag-uunlad ng kooperatibang itinatag dalawampu’t tatlong taon na ang nakakaraan noong 1991.

 

Ang lumaking kooperatiba sa pamamatnubay ni chairperson Ms. Regina Cantillo, ang City Budget Officer ay mayroon nang higit pitongraang mga kasapi at may capitalization na labing apat na milyong piso (P 14-M).

 

 

 

Article Type: 
Categories: