CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa,Nov.18 CIO - Kasiyahan sa pasko para sa mga puerto princesans at mga panauhin ang layunin ng pamunuan ni Mayor Lucilo R. Bayron  kaya matutunghayang na naman  ang tradisyonal na pagpapailaw sa malaking christmas tree sa baybay sa unang araw ng  disyembre ng 2014.  Pangungunahan ito ng punong lungsod kasama ang mga puno ng mga tanggapan at kinatawan mula sa lahat ng antas ng pamahalaan, militar, mga organisasyon, relihiyon,  mag-aaral at mga  mamamayan.

Maririnig muli ang salitang pagkanta ng mga himig pamasko mula sa mga mang-aawit  mula sa mga paaralan, simbahan at samahan.  Sama-samang ding mag-aalay ng mga panalangin para sa  iba’t-ibang sektor ng lipunan.

120 talampakan ang taas ng christmas na ang disenyo ay tutuon sa paggamit ng mga makukulay na pailaw na magbibigay buhay sa mga hugis na dekorasyon. Berde ang pangunahing kulay na  gagamitin na magpapahiwatig ng mga dahon ng puno.

Bata’t matanda ay masisisyahan sa panunonod ng nakagawiang “pyro-musical display” na magbibigay kulay at ganda sa kalangitan.  Kasunod nito ang mga palabas mula sa magkasamang pagtatanghal ng panlalawigan at ng panlungsod na pamahalaan. Susundan ito ng gabi-gabing palabas na ibabahagi naman ng sari-saring grupo at samahan.

Ang pagpapailaw ng christmas tree ay simbolo na rin ng simula pista ng Immaculada Concepcion sa disyembre 8 ang patron ng Puerto Princesa.

 

Article Type: 
Categories: