CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Nov. 17CIO - Dahilan sa katapatan at taos-pusong paglilingkod, buong pagmamalaking kinilala ni Mayor Lucilo R. Bayron ang limang staff ng Puerto Princesa Underground River Office sa selebrasyon ng  unang anibersaryo ng deklarasyon ng PPUR day  tuwing november 11 ng taon.

Pinangunahan ni Romeo Camacho, PPUR Admin Officer ang mga PPUR staff na kinilala ng alkalde sa kanilang katapatan matapos isauli ang natagpuang bag ni Kobayashe Hiooshi, Japanese tourist sa PPUR office noong November 4, 2014. Ang bag ay nawala ng bumisita si Hiooshi sa Underground River kamakailan. Kasama ni Camacho kinilala sina Edwin Ilagan, Gerardo Serit, Danilo Pacled at Jose Rey.

Ang bag ay nagkakalaman ng mga gamit at pera na umabot sa halagang isangdaan dalawampung(120,000) libong piso, kasama dito ang passport, mobile phone, wallet, cell phone charger, gamot, pentel pen at ball pen, ugong rock picture, 26 piraso ng 10,000 yen, 14 piraso ng 1,000 yen, 3 piraso ng 5,000 yen, 7 piraso ng 5 US dollar, 37 piraso ng 1 dollar, 5 piraso ng 100 coins at 1 piraso ng 10 coins.

Ang nasabing bag ay nakitang nakabaon ang kalahati sa pagitan ng buhanginan sa may central park station at PPUR.

Ayon sa opisina ng PPUR, agad na nakipag-ugnayan si Program Manager Ms. Elizabeth Maclang, sa travel agency na tumulong sa turistang hapon upang ipagbigay alam ang nasabing pangyayari sa Japanese Embassy.

Samantala, pinarangalan din si Mark Andres dahil sa kanyang pagsauli ng nadampot na cellular phone ng isang pasahero ng MV Superstar Aquarius na dumaong sa lungsod nitong november 10 at umalis noong November 11.

Article Type: 
Categories: