CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, September 09 CIO - Huwag maging dayuhan sa sariling bayan, kaya’t muling magbibigay ng pagkakataon ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron ng libreng tour sa kilalang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) sa Sitio Sabang, Barangay Cabayugan ngayong buwan ng Setyembre.

 

Ang free trip ay itinakda sa Setyembre 9, 11, 16, 18, 23 at 25.  Mula alas diyes ng umaga hanggang alas  dos ng hapon. Ayon kay Ms. Beth Maclang, Project Manager ng Puerto Princesa Subterranean River National Park, ito ay bukas sa lahat ng residente ng lungsod ng Puerto Princesa. Sa mga interesado maaring magtungo lamang sa tanggapan ng Puerto Princesa Underground River  sa City Coliseum para sa booking ng permit isang araw bago ang napiling araw ng pagbisita sa Underground River.

 

Mahalagang magdala ng valid ID ang mga interesado at kailangan personal na kukuha ng permit ang upang masigurong ang permit at libreng PPPUR tour ay magagamit sa tama.

 

Libre ang sasakyan patungo ng Sabang at libre din ang bangkang gagamitin patungo sa Underground River. Pagkain at baon na lamang ang sasagutin ng mga mamasyal.

 

Ang muling pagbibigay ng libreng Underground River tour ay resulta ng magandang pag-responde ng mamamayan sa naunang free trip noong nakaraang Setyembre 2013.

 

 

Article Type: 
Categories: