CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa July 14, CIO - Inaatasan ni Officer-in-Charge(OIC) Director James Fadrilan ng Department of  Interior and Local Government (DILG), ang mga provincial directors at highly urbanized cities directors na anyayahan ang lahat ng mga residente ng Region IV-B MIMAROPA upang sumali sa digital photo competition. Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng nutrition month 2014 na may temang: “kalamidad paghandaan, gutom at malnutrisyon agapan.”

Ang nasabing pa-kontes ay nagsimula noong june 9 at magtatapos sa july 14, 2014.

Ang lahat ng residente ng MIMAROPA ay maaring sumali maliban sa kawani ng National Nutrition Council (NNC), miyembro ng Regional Nutrition Committee, Nutrition Action Officers, district/city nutrition program coordinators at promo nutri com officers at board of directors. 

Ang inyong larawan ay nararapat nakasunod sa tema ng buwan ng nutrisyon na, “kalamidad paghandaan, gutom at malnutrisyon agapan.”

Ang larawan ay dapat orihinal, may mabasa (readable) na font size ng nutrition month 2014 theme sa ibabang bahaging kanan ng larawan. Maaring ring magsali ng larawan na naka-portrait at landscape.    

Ang lahat ng interesado ay maaring magsumite ng larawang kuha mula taong 2013 hanggang kasalukuyan na may dokumentong tulad ng accomplished registration form at ini-scan na kopya ng mga legal na dokumento o pagkakakilanlan o valid id (identification card) at dapat may kalakip na essay/narration sa wikang pilipino o ingles na naglalarawan sa tema na single space, size 12 na font at times new roman dapat na font.

Nararapat ding hindi pa nailalagay sa anumang publikasyon ang larawan at dapat ay gagamitin lamang para sa timpalak.

Para sa karagdagang kaalaman tumungo lamang sa opisina ng City DILG sa New City Hall Complex sa Barangay Sta. Monica.

 

Article Type: 
Categories: