CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, July 23 CIO - Sa ginanap na MOA signing noong July 20, 2015 sa pagitan ng Pilipinas Shell Foundation Inc. at ng Weather Philippines kasama ang PCSD ay inaasahang lalo pang lalakas ang weather monitoring capability ng lokal na pamahalan sa pamumuno ni Mayor Lucilo R. Bayron. Sa pamamagitan ng modernong kagamitan ay  itatayo ang “unmanned” Automated Weather Stations sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Palawan kasama na ang limang (5) bagong weather stations sa lungsod ng Puerto Princesa. Ang limang lugar na paglalagyan ng weather stations ay ang: Honda Bay; Napsan; Sabang; Bgy. Bagong Silang at Bgy. San Jose. Ang apat sa nasabing areas ay coastal area samantalang ang Bgy. San Jose naman ang strategic location para sa Central Puerto Princesa.

 

            Sa kabuuan, ang buong lalawigan ng Palawan ay magkakaroon na ng 45 weather monitoring stations kabilang na ang tatlong existing stations ng PAG-ASA sa Coron, Cuyo at Puerto Princesa City. Labindalawa (12) dito ay nauna ng naitayo ng Weather Philippines (WP) at tatlumpo (30) ang mga bagong itatayo ng Pilipinas Shell Foundation Inc.

 

            Sa harap ng malaking problema na kinakaharap hindi lamang ng ating bansa sa climate change, isang hindi matatawarang kontribusyon ng Pilipinas Shell Foundation Inc. ang tulong na ito na inaasahang magbibigay ng hindi lamang dagdag na impormasyon sa lagay ng panahon kundi “more accurate measure of our weather conditions. Automated Weather Stations will transmit weather updates includes air temperature, relative humidity, solar radiations, air pressure, wind speed and other information.” Sang-ayon kay Ms. Marvi R. Trudeau- Program Manager ng Pilipinas Shell Foundation Inc.

 

            Napag-alaman na ang Automated Weather Station (AWS) ay hindi lamang unmanned kundi hindi mahirap i-maintain sapagkat ito’y  solar-powered at dalawang beses lamang isang taon ang check-up na kailangan. Inaasahan na bago matapos ang taong kasalukuyan ay magiging fully-operated na ang lahat ng stations pagkatapos sumailalim sa training ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan partikular ang focal person ng CDRRMO para sa tamang paggamit ng facility at tamang pangangalaga nito. Ang impormasyon na makikita sa Automated Weather Station ay makikita sa www.weatherphilippines.com.(cio)

 

 

 

 

Article Type: 
Categories: