CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa Oct. 9 CIO - Hiniling ni Konsehal Roger M.  Castro ng Sangguniang Panlungsod ang interbensyon ng Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa usaping territorial boundaries sa pagitan ng Barangay Inagawan Sub ng Lungsod at Barangay Isaub ng Bayan ng Aborlan.

 

     Ang Resolusyon 72-2013 na magkaisang ipinagtibay ng 14th Sangguniang Panlungsod sa ika-15th Regular Session nito kamakailan. Ang nasabing resolusyon na naglalayon na hilingin sa Provincial Council na mamagitan sa usaping boundaries para matuldukan na ang di pagkakaunawaan ng mga nabanggit na opisyal ng barangay. Matagal na rin ang ganitong problema na minsan nagdudulot ng kalituhan sa mga  residente kung saan magbabayad ng buwis o anung lugar talaga sila nasasakop.

 

     Ayon kay Konsehal Castro, isang liham ang natanggap ng kanyang tanggapan mula sa Chairman,  Committee on Barangay Affairs na si Konsehal Patrick Alex M. Hagedorn, kaakibat ang isang Sangguniang Bayan Resolusyon No. 186, s 2013 dated August 14, 2013 na mula kay Raul S. Pizana, Secretary to the Sanggunian. Ang naturang resolusyon na Fixing and/or Delineating the Boundary between Puerto princesa City and the Municipality of Aborlan Palawan.

Article Type: 
Categories: