CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, Aug. 04 CIO - “Kailangan nating masusing pag-aralan ang seguridad at maayos na programa para sa inaasahan nating libu libong partisipante na nakatakdang dumating dito sa lungsod para lumahok sa tatlong malalaking events tulad ng Mimaropa festival, Puerto Princesa Underground River Day at ang Asian Championship Leg Dragon Boat Race, na lahat ay gaganapin dito sa Lungsod ng Puerto Princesa sa buwan ng Nobyembre”. Ito ang tinuran ni Punong Lungsod Lucilo Rodriguez Bayron sa pinatawag nitong consultative meeting kamakailan.
Ayon kay Demetrio Alvior-Acting City Tourism Officer, sa Mimaropa festival pa lamang umaabot na sa 1500 delegates mula sa 5 probinsiya at 2 siyudad ng Mimaropa na kinabibilangan ng Occidental at Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque at Palawan, siyudad ng Calapan at Puerto Princesa. Mayroong pitong kandidato para sa Mr. and Ms. Mimaropa 2016, Promotion, Agri-Cultural and Investment meeting at ang inaabangang street dancing competiton mula sa kabataan ng Mimaropa sa November 7-11 2016.
Idinagdag pa ni Alvior, na mahigit sa 1000 paddlers ang lalahok sa Asian Championship Leg Dragon Boat Race mula Nov. 10-13. Kalahok dito ang Phil. National team at mga magagaling na paddlers ng Asya. Kumpirmado rin ang paglahok ng Singapore Filipino Dragons na pinangungunahan ng RP team coach mula sa Brookes Point na si Engr. Eric Rada mula Singapore.
Inaasahan ding darating ang ilang opisyal ng New 7 Wonders of Nature para sa pagdiriwang ng PPUR DAY sa Nov.10-11 . Magugunita na ang deklarasyon ng Underground River bilang bahagi ng New 7Wonders of Nature ay ginanap noong November 11, 2011.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |