CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Puerto Princesa, November 9, CIO - Humigit kumulang sa 4,000 kasapi mula sa ibat-ibang panig ng bansa ang inaasahang dadalo sa ika-78 kombensiyon ng Philippine Institute of Certified Public Accountants na gaganapin sa City Coliseum ng Puerto Princesa mula Nobyembre 25-28, 2015. Ang nasabing pagtitipon ng mga accountants ay may temang “ Sharing Success Beyond Borders”.
Bilang pambungad na gawain, magkakaroon ng PICPA Tanim-Takbo mula alas 6:00 hanggang alas 8:00 ng umaga. Sisimulan ang pagtakbo sa City Coliseum na dadaan sa kahabaan ng South National Highway, PSU Road, City Sports Complex hanggang sa Balayong Park na nasa harapan ng bagong tayong gusali ng Pamahalaang Panlungsod. Sa Balayong Park magtatanim ng mga punong kahoy na Balayong o Palawan Cherry Blossom. Sasalubungin ni Mayor Lucilo R. Bayron ang mga sumali sa fun run at siya rin ang mangunguna sa pagtatanim kasama ang mga panauhing pandangal mula sa Komisyon sa Pagsusuri.
Bukas sa lahat na nais sumama sa Fun Run. Maaaring kumuha ng pormas ng rehistrasyon sa City Information Department, City Sports Office at sa tanggapan ng samahang Junior Philippine Institute of Accountants ng bawat paaralan. Ang bawat sasali ay may babayaran P100 upang magkaroon ng sandong pantakbo.
Ito ang unang pagkakataon para sa Puerto Princesa na pangangasiwaan ng PICPA-Palawan Chapter na pinamumunuan ni Mr. Ponciano Payuyo. Inaasahan na ang pagdalo ng maraming bisita ay makakatulong sa ekonomiya at sa promosyon ng industriyang turismo sa lungsod.(amie)
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |