CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Pebrero 21 (PIA) --- Higit na pinalawak ngayon ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) ang serbisyo ng malinis na tubig sa Sitio Sabang, Barangay Cabayugan.

Ayon kay PPCWD General Manager Antonio Jesus R. Romasanta, sa kasalukuyan ay maituturing nang 95 porsiyento na kumpleto ang Phase II ng Sabang Water System na sinimulan noong Hunyo 2010.

Ang naturang proyekto ng City Water District ay pinondohan ng PhP 3.6M. Sakop nito ang konstruksiyon ng 77 cu.m. reservoir, 1.47km distribution pipeline na napapakinabangan na sa ngayon ng mga residente sa nabanggit na lugar.

Nasa 46 sa ngayon ang bilang ng active connections sa lugar at inaasahan ang pagtaas pa nito sa mga susunod na araw.

Ayon pa kay GM Romasanta, napapanahon ang proyekto lalo pa’t maraming establisyemento ang nagsusulputan sa Sabang dulot na din ng tuloy-tuloy na pagtaas ng bilang ng mga turista na tumutungo sa lugar simula ng opisyal na mapasama ang Underground River sa New Seven Wonders of Nature. (LBR/OCJ/PIA4B-Palawan)

By Orlan C. Jabagat

 

Article Type: