CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment
Sa bisa ng Resolution No. 1205-2015 na inaprubahan ng Kapulungan sa naganap nitong regular na sesyon noong ika-13 ng Hulyo ay agarang inaprubahan ang isang resolusyon na naglalaan ng Kalahating Milyong Piso (P500,000.00) sa pagkuha ng serbisyo ng isang ekspertong consultant na syang maghahanda ng isang master plan para sa proyektong pailaw ng buong Lungsod ng Puerto Princesa.
Ang naturang halaga ay gagamitin sa pagkuha ng isang pribadong consultant na syang babalangkas ng isang komprehensibong master plan para sa street lighting project ng Lungsod ng Puerto Princesa. Ito ay magmumula sa nakalaang pondo na may halagang Singkwenta Milyong Piso (P50,000,000.00) na isang lump sum appropriation para sa City Street Light Project ng 20% Development Fund ng Lungsod, dagdag pa ni Binibining Regina S. Cantillo, City Budget Officer.
Siniguro naman ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na lahat ay naayos sa batas, partikular sa Local Government Code of 1991 hinggil sa pagkuha ng isang pribadong consultant at Republic Act 9184 o ang New Procurement Act na kung saan dadaan sa proseso ng bidding ang pagkuha ng serbisyong naturan base sa karanasan, edukasyon at kasanayan o kadalubhasaan ng mga interesadong eksperto.
Tiniyak ni Kagalang-galang Vicky T. de Guzman ang kahalagahan at ang pangangailangan ng Pamahalaang Lungsod ng isang consultant upang magprepara ng naturang plano at hindi mababalewala ang mga naunang proyektong pailaw ng Lungsod.
Featured Articles |
USAID/SURGE Project |