CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

“Kindness, yon ang malasakit para sa akin, kung may pagkakataong makapagbigay ng malasakit sa kliyente, gawin natin, wag na tayong mag-contribute sa problema sa ating opisina” ito ang buod ng mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sa pagbubukas ng ika-117th taong pagdiriwang ng Buwan ng Serbisyo Sibil sa lungsod nitong Setyembre a-uno sa Puerto Princesa City Coliseum.

Sa harap ng iba’t-ibang empleyado ng pamahalaan, inihayag ng alkalde ang kanyang personal na pananaw sa serbisyo publiko. Anya ang simpleng malasakit ng bawat isa ay malaking tulong sa pagpapagaan sa problemang kinakaharap sa bawat araw. Inihalimbawa nito ang kalagayan ng trapiko sa lungsod. Kung hindi na kelangang bumiyahe, huwag na munang lumabas ng bahay upang mabawasan ang sasakyan sa kalsada. Gayon din, huwag nang sumabay sa oras na masikip ang trapiko kung di maiwasang lumabas ng bahay. Ipinagdiinan ng alkalde na ang simple at kusang pagmamamalasakit ay may malaking epekto kapag gagawin ng karamihan. Ibinahagi pa ni Mayor Bayron ang kasabihang “any kindness that we can do to our fellowmen, let us do it now, for we shall not pass this world again”.

Ang isang buwang pagdiriwang ng Serbisyo Sibil ay nakatoon sa temang “Tugon sa hamon ng pagbabago: Malasakit ng Lingkod Bayan”. Binibigyang halaga ang kontribusyon ng mga kawani ng pamahalaan sa hamon ng mabilis na pagbabago ng panahon. Ang kanilang malasakit sa kapwa, sa bawat kliyente pinagsisilbihan, sa trabaho, institusyong pagtatrabahuan at sa paligid ang magiging kaagapay sa mabilis na pagbabago ng panahon.

Bago nagtapos sa kanyang mensahe ang alkade ay iniwan nito ang mga katagang “nothing in this world has ever been do so well, that it does not need any improvement or change” sa mga kawani upang magsilbing inspirasyon ngayong Buwan ng Serbisyo Sibil.

Article Type: 
Categories: